News

PAALALA SA PUBLIKO LALO NA SA CONTRACTORS AT SUPPLIERS


PAALALA SA PUBLIKO LALO NA SA CONTRACTORS AT SUPPLIERS. Ang mga sumusunod ay mahigpit na paalala sa publiko, lalo na sa mga private contractors at suppliers:

-Walang sinuman, pribadong indibidwal o empleyado man ng #DHSUD, ang binibigyang pahintulot na makipag-transaksyon kanino man patungkol sa pagtatayo ng mga proyekto sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (#4PH) Program.

-Hindi nag-a-accredit o nagre-rekomenda ang DHSUD ng mga contractor at supplier upang makasali sa Expanded 4PH. Walang kinalaman ang DHSUD sa pagpili ng contractor at supplier.

-Malaya ang mga developers na pumili ng kanilang contractor o supplier.

-May laya ding pumili ang mga homebuyers/beneficiaries ng mga socialized housing na gusto nilang bilhin, saan man sa bansa.

-Sa pina-simpleng Expanded 4PH, ang kasali lamang sa proseso ay mga developers, homebuyers/beneficiaries at Pag-IBIG Fund.

Mariing iginigiit ng DHSUD ang polisiyang "zero tolerance for corruption" at ang pagsusulong sa transparency.

Kung may kahina-hinalang grupo o personalidad na ginagamit ang Expanded 4PH, ireport ito sa aming hotline numbers (02) 8424-4070 and 0961-137-0196, o Facebook page @dhsudgovph. Sisiguraduhin naming mananatiling kumpidensyal ang mga impormasyon na aming matatanggap.

Makakaasa ang publiko sa matapat at dekalidad na serbisyo mula sa pamunuan ng DHSUD upang maisulong ang mas may dignidad na pamumuhay sa pamamagitan ng ligtas at mas abot-kayang tahanan para sa bawat pamilyang Pilipino.

#BagongPilipinas #ExpandedPambansangPabahay #4PHX